Blank Ink
About Story
Synopsis
Ilang araw na lang bago ang graduation, lahat may ginagawa, ang iba tinatapos pa ang research defense nila. "Lola! With...
Ilang araw na lang bago ang graduation, lahat may ginagawa, ang iba tinatapos pa ang research defense nila.
"Lola! With high honor ako, sabi sayo 'la kaya ko eh" Bakas ang ngiti sa labi ni Lola ng sabihin ko ang katagang 'yon.
"Proud na proud ang Lola sayo, alam ko naman na mana ka sa'kin" Napatawa na lang ako.
"Pa kiss nga 'ko apo ko, ang galing-galing" Niyakap ko si Lola sabay inilapat ang pisngi ko sa labi niya, ganto kami palagi naglalambingan. Ilang taon na din si Lola kaya hirap na din siya mag lakad pero sinisikap niya para daw siya ang maka akyat sa stage.
Nagp-practice kami para sa graduation ng tawagin ako ng advisor ko para sa isang tawag, hindi ko alam pero sobra ang kaba ng dibdib ko na para bang may nangyaring masama. Itinapat ko ang tenga ko sa cellphone.
"Ash? Nak? Wala na ang Lola mo..." Napahinto ako bigla at hindi napigil ang luhang bumagsak na pala, humagulgol ako ng sobra. Kasabay ng hagulgol ko ay ang paglakas ng hangin sa paligid, tila nakikiramay ito sa pagkawala ni Lola, Nadurog ang puso ko sa balitang hindi ko gustong marinig.
___________
"Ashley Claire Hernandez, hakot award, may mataas na karangalan"
Napuno ng malakas na palakpakan ang paligid, lumapit ang aking guro ng may maluha-luhang mata sabay ibinigay ang isang cardboard na may print ni Lola. Ipinangako niya sa'kin na siya ang aakyat sa intablado para isabit ang medalyang pinaghirapan ko. Ginawa ko lahat para lang makita ang kaakit-akit na ngiti sa kanyang labi, ngunit nilisan niya ang mundo ng walang pasabi at hindi nagawang tuparin ang pangako niya.
Kinuha ko ang cardboard ni Lola sabay lakad papuntang intablado, lahat ng mata'y nakatingin sa'kin. Isinabit ng guro ang mga medalya sa'kin, naglakad ako sa unahan ng intablado para sa graduation pictorial. Maluha-luha din akong ngumiti saka itinaas ang aking degree.
*click* Huling tunog ng camera bago ako mag-uumpisang lumaban mag-isa.
Ilang buwan din ang lumipas, nakatayo ako ngayon sa isang University sa Manila.
"Lola, nakikita mo 'ko d'ba? Nandito na 'ko! Ito po ang gusto kong kolehiyo, katulad ng pinangarap mo. Mag-aaral ako sa medical, magiging doctor ako"
Naglakad ako papasok sa Unibersidad ng Kolehiyo dala-dala ang litrato ni Lola, Pagkatapos ng wakas handa ulit akong magsimula para sa bagong pangarap, lahat para kay Lola!
Comments
Story Comments
No comments yet
Start the conversation for this story.
Chapters
Story Chapters
No chapters yet
This story does not have any published chapters yet.
Recommended