Blank Ink
About Story
Synopsis
ANG DIPLOMANG HINDI PARA SA AKIN “Regino, Francis G. Magna Cum Laude”, umalingawngaw na tawag sa pangalan ko na sinundan...
ANG DIPLOMANG HINDI PARA SA AKIN
“Regino, Francis G. Magna Cum Laude”, umalingawngaw na tawag sa pangalan ko na sinundan ng masigabong palakpakan tanda na ako na ang papaso, ngunit sa hindi malamang dahilan ang bawat habkang ko'y siya ring pagkubli ng saya, lungkot at takot sa aking puso sapagkat kalapastangang tumanggap ng mga medalya sertipikot’t diploma sa entablado kung saan papalakpakan ako ng madla at tatawaging may pinaka mataas na marka kung alam ko sa aking sarili na hindi ako ang tamang taong nararapat tumanggap ng mga ito—kundi sila. Sila, ang mga taong nagsilbing lakas at sandalan ko sa mga panahong muntik na akong maligaw at sumuko.
Sa pagmulat ng aking mata, pawis na noo ni Ina ang aking makikita “Anak! bumangon ka na’t mahuhuli kana sa iyong eskwela”, ‘yan ang mga paborito niyang linya habang inaasikaso ang almusal, tanghalian at aking meryenda—pabaon na pagmamahal ng isang Ina. Sa kabilang banda’y may bumubusina na, si tatay na handa nang makipagsapalaran sa kalsada, ihahatid ako’t pagkatapos ay mamamasada na. Pag tungtong sa silid-aralan ay nariyan na ang halakhakan at kwentuhan ng aking mga kaklaseng minsa’y nagdadamayan madalas ay nag gagayahan, mga kaibigang hindi kumpleto ang araw kung walang bardagulan. At biglang matatahimik ang lahat, “Good morning, ma’am!”, nariyan na ang mga guro na daig pa ang anghel sa lubos na konsidirasyon, pangalwang magulang na nagsilbing tulay upang makamtan namin ang aming mga pangarap.
Ngayong araw ng pagtatapos, sinong magagalak kung ang ibig din nitong sabihin tayo’y magkakawatak-watak? Sinong hindi matatakot kung sa panibagong landas ay hindi na sila ang kasama ko? Sinong hindi malulungkot kung ang ilang taon na pinagsamahan ay magiging ala-ala na lamang? Kung kaya’t nais kong ialay itong aking mga sertipiko, medalya’t diploma sakanila, tanda ng aking pasasalamat at pagtanggap sa katotohanang maaaring sa bagong kabanata’y hindi ko na sila makasama.
Comments
Story Comments
No comments yet
Start the conversation for this story.
Chapters
Story Chapters
No chapters yet
This story does not have any published chapters yet.
Recommended